mabuhay

WELCOME TO MY BLOG "DIOS MABALOS"

Monday, March 19, 2012

Lesson 101

Masakit tanggapin ang ika'y pagbintangan nang di mo naman ginagawa... Sa dami ng taong naiingit at mahilig gumawa ng mga kuwento, meron din hahatol naman ng hindi inuusisa ang tunay na mga pangyayari o katotohanan para malaman ang puno't dulo ng estorya. ewan ko nalang,  pagmasasalita pa ko ay lalo pa sigurong walang kahahantungan. Tahimik na laang at lalabas at lalabas din ang katotohanan. Ganito ba tlaga ang mga nangyayari sa mga taong tinuturing mababa ang pwesto sa pinagseserbisyuhan? Hindi tanyag na tao.. dahil ikay..... lang...? Sige lang, darating din ang araw at babaliktad din o gugulong din ang gulong ng buhay. Sa mga taong mapagmataas... o may mataas na katungkulan... ito'y pansamantala lang naman, hindi naman sa buong buhay ay nasa pwesto sila. ang mahirap nito sa pagdating ng pagbabago sa mundo at buhay nila .. ay mahirapan din silang taggapin ang katotohanan.

No comments:

Post a Comment