"nono" is the name i won't forget . This the name that my mother used to call me. The name usually used in Bicol -(younger or youngest son). This name, always reminds me of my Mother whom i loved so much.
mabuhay
Monday, April 30, 2012
BROTHER BROTHER PAANO GINAWA?
Brother Ka Lang?
Kelan ka magiging Pari?
Bakit Hindi Ka Na Lang Nagpari?
Ano? Hindi Ka rin Pwede Asawa?
Ano naman ang trabaho mo sa simbahan?
Ilang Taon Bago ka Maging Brother?
katoliko Ka Ba?
Ilan lang ito sa mga tanong sa pinakamaring "TANONG" sa aming mg Religious Brother, Na kahit minsan kahit pa sagutin mo ay Hindi pa rin maubos maintintihan ng mga nagtatanong.
Kahit nga ang ibang mga Brother ay hindi parin nila maintindihan kung bakit Brother ang Bokasyon na napili nila. Talaga! May malalim na SAGOT dito. Na nangangailangan din mg malalim na conviction at paniniwala sa sarili. Yaong dahil sa experience at dinaanang Formation Stage at mga Pagsubok sa Buhay bilang Brother. Kami lang ang nakakaalam nito. Kung gusto niyong malaman ay aabutin tayo ng siyam siyam kung sa kwetuhan lang.
OO nga ordinaryong trabaho lang ang mga ginagawa namin na kaya ring gawin ng mga ordinaryong tao. Pero ang pagkakaiba naman ay walang hinahangad na kapalit bagkus BUKAL sa Loob at maluwag sa PUSO ang serbisyong ibinibigay sa Simbahang Katoliko , sa mga kasamahan at sa lahat ng Taong nilalang na kung saan KAMI ay nagiging BROTHER para sa lahat ng Dahil sa Pagsunod namin sa Diyos at BROTHER sa Buhay namin ..si Hesukristo.
Kailanman man ay hindi kami humihiling ng Pansin na kagaya ng ibinibigay sa Ibang mga naglilingkod sa Simbahan. Tama lang ang makita kami na naglilingkod, tumutulong sa lahat ng nangangailangan, nagtratrabaho para sa kumunidad.(to be continued)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment